Pamahalaan, walang contingency plan sakaling panigan ng korte ang inihaing petisyon laban sa 2025 GAA

Inakusahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bahagi ng destabilization kontra administrasyon ang paghahain ng kampo ni dating Executive Sec. Vic Rodriguez, ng petisyong kumikwestyon sa legalidad ng 2025 budget sa Korte Suprema.

Ayon sa pangulo, wala silang contingency plan kung mawawalan ng bisa ang 2025 General Appropriations Act o GAA kung kaya’t hahantong ito sa pag-shutdown ng gobyerno.

Ito naman aniya ang nais mangyari ng mga kumikwestyon sa 2025 GAA para maipagpatuloy ang mga ginagawa nilang destabilization efforts.


Gayunpaman, kumpiyansa si Pangulong Marcos na matatag ang pundasyon ng budget alinsunod sa Saligang Batas.

Hindi rin umano niya maunawaan kung bakit naghain ng petisyon ang kampo nina Rodriguez kahit mahirap ang kanilang ipinaglalaban.

Samantala, ipinauubaya na ng pangulo kay Solicitor General Menardo Guevarra ang pagbibigay ng argumento sa Korte Suprema kaugnay ng petisyon.

Facebook Comments