Pamahalaan, walang namo-monitor na foreign terrorist sa ikatlong taon ni PBBM sa puwesto

Wala nang namo-monitor na foreign terrorist sa bansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ikatlong taong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa gitna ng pinaigting na laban ng pamahalaan kontra terorismo.

Ayon kay Brawner, na-neutralize na ang dalawang huling napaulat na foreign terrorist sa bansa noong 2023.


Wala na rin aniyang napapaulat na kidnap for ransom sa Jolo at Basilan sa nakalipas na sampung taon.

Tiniyak naman ng AFP na nagpapatuloy pa rin ang isinasagawa nilang decommissioning sa Islamic Armed Forces Combantants, maging ang reintegration program para sa mga ito.

Facebook Comments