Pamahalaan, walang problema sa pagbabayad ng hospital bills na sakop ng guarantee letter —Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na walang problema ang pamahalaan sa pagbabayad ng hospital bills na sakop ng Guarantee Letter sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Ito’y matapos i-anunsyo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na hindi muna sila tatanggap ng GLs para sa mga pasyenteng sakop ng programa.

Nasa ₱530 million pa daw kasi ang hindi nababayarang claims para sa mga serbisyong medikal na naibigay na.

Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tatlumpu’t siyam lang na pribadong ospital sa Batangas ang may isyu ngayon sa claims kaugnay ng guarantee letters dahil wala pang kaukulang mga dokumentong naisusumite ang mga ito.

Hindi rin anya ito nangangahulugan na maaapektuhan ang ibang mga ospital pagdating sa bayaran.

Ipinaalala rin ni Castro na sa ilalim ng Universal Health Care Act ay mayroong guaranteed na 10% na authorized bed capacity ang mga private hospitals para sa zero billing.

Facebook Comments