Pamahalaang bayan ng Taytay, nagpaabot ng tulong sa 37 na pamilyang apektado ng sunog

Matapos sumiklab ang sunog sa Taytay, Rizal, namahagi ang lokal na pamahalaan ng naturang bayan ng mga food packs, kutson, pagkain, hygiene kits at cash assistance sa pangunguna ng alkade na si Allan de Leon.

Matatandaan na namatay ang pitong magkakamag-anak matapos sumiklab ang sunog pasado alas-9:00 ng gabi.

Batay sa report, na-trap umano ang mga ito sa kanilang bahay sa Brgy. San Juan nang magsimulang kumalat ang apoy.


Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang taong gulang na bata na pinakabatang biktima habang ang pinakamatanda naman ay 60 years old na biktima.

Ayon kay Taytay Fire Marshal Inspector Raymond Cantillon, natagpuan ang mga katawan nito sa kusina at restroom na bahagi ng kanilang bahay.

Samantala, inaalam pa ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Facebook Comments