Pamahalaang lokal ng Lungsod ng Mandaluyong, nagpatupad muli ng liquor ban

Epektibo na ngayong araw ang ordinansa na nag-uutos ng pansamantalang pagbabawal ng pagbenta at pagbili ng mga alak sa Lungsod ng Mandaluyong.

Ito’y matapos lagdaan ni Mayor Menchie Abalos ang City Ordinance No. 790 series of 2020 o Liquor Ban ordinance.

Aniya, iiral ang Liquor Ban sa lungsod habang nasa ilalim ang Metro Manila ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Dagdag pa niya, na may karampatang parusa at multa sa sinumang lalabag sa nasabing ordinansa.

Umaasa naman ang alkalde na lahat ng mga taga-Mandaluyong ay susunod sa nasabing Ordinansa.

Samantala, umakyat sa 1,757 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 82 rito ay nasawi at 983 ay mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.

Facebook Comments