Pamahalaang lokal ng Makati, muling hinikayat ang kanilang mga residente na makiisa sa Otso-Otso Campaign

Muling nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Makati City sa kanilang mga residente na makiisa sa kanilang Otso-Otso Campaign.

Ito ay bunsod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa nasabing lungsod.

Batay kasi sa pinakabagong tala ng City Health Office o CHO, pasado alas-9:00 kagabi, nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan umabot na ito sa 160.


Dalawa naman ang pinakabagong naitalang pasyente na binawian ng buhay, kung saan umabot na rin ng siyam na COVID-19 positive ng lungsod ang nasawi.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang nasabing campaign ay pag-disinfect sa kani-kanilang mga tahanan, workplaces at common areas araw araw tuwing sasapit ang alas-otso ng umaga at gabi.

Layunin nito, aniya, na mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanilang lungsod.

Facebook Comments