Pormal ng lumagda ang Pamahalaang Lokal ng Mandaluying City ng kasuduan sa Philippines Red Cross (PRC) para sa ilalagay nitong Laboratory Testing sa Lungsod.
Ayon kay Mayor Menchie Abalos, layunin nito na masimulan na ang Polymerase Chain Reaction o PCR test para sa mga frontliner ng Mandaluyong.
Kasama na rin anya dito ang mga pinaghihinalaang carrier ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod.
Ngayong araw anya nakatakdang simulan gawin ang allocation at technical briefing ukol dito.
Dinaluhan ang nasabing paglagda nina Philippine Red Cross (PRC) Chairman and Chief Executive Officer Senator Richard Gordon, dating Mayor Benhur Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at City Health Officer Alex Sta. Maria.
Ang Mandaluyong City ay meron ng 264 confirmed cases ng Coronavirus, kung saan 24 na ang nasawi.
Nasa 591 naman ang mga Persons Under Suspected cases.