Nilagdaan na ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang Executive Order No. 27, Series of 2020, na nagbibigay ng mga panuntunan sa mga restaurant at ibang mga food establishment na magbubukas ngayong buwan.
Nakasaad sa naturang kautusan na papayagang magoperate ang isang restaurant o food establishments lagpas sa oras ng curfew hour basta ito ay food delivery service lamang.
Papayagan na rin ang 30% mula sa seating capacity ng isang food establishment basta susunod ito sa mga health protocols gaya ng wearing of face mask, face shield, at social distancing.
Ayon kay Mayor Abalos, kailangan nang bukasan ang unti-unti ang economy ng lungsod, partikular ang mga food at restaurant establishment upang mabalanse ang pangangailangan ng publiko at ang paglago ng ekonomiya nito.
Ang nasabing hakbang ng lungsod ay alinsunod na rin ng nakapagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa Metro Manila kasunod ng paglawig ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) ng nasyonal na pamahalaan.