Pamahalaang Lokal ng Mandaluyong, namahagi ng food packs sa mga nakatira sa condominium ngayong araw

Umabot ng nasa 8,877 na mga food pack ang naipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong City sa lahat ng mga residente ng mga condominium na sakop ng Barangay Highway Hills ngayong araw.

Ang nasabing bilang ay katumbas ding ng bilang ng nabigyan na mga pamilya sa 11 na mga condominium building na sakop ng nasabing barangay.

Ayon kay Jimmy Isidro, Chief-of-Staff ng Mandaluyong, sa mga susunod na araw hahatiran din ng food assistance ang ilang residente ng mga condo sa ibang pang barangay ng lungsod.


Ang Barangay Highway Hills ay isa sa pinakamaraming kaso ng confirmed cases ng COVID-19 sa mga barangay ng lungsod, kung saan mayroon itong 45 na bilang at pito dito ang nasawi, samantala, anim naman ang mga nakarekober na.

Sa kabua, ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Mandaluyong ay umabot na ito sa 410, ito ay batay sa pinakabagong tala ng kanilang City Health Office.

Facebook Comments