Pamahalaang lokal ng Muntinlupa City, kinilala ang mga hakbang kontra COVID-19 ng PCCI

Nagpaabot ng pasasalamat si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), matapos kilalanin nito ang kaniyang mga hakbang na ginagawa kaugnay sa paglaban kontra Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Kahapon, tinanggap ng alkalde ang Sterling Growth Catalyst Award dahil napanatiling maganda ang takbo ng local economy ng lungsod sa kabila ng kinahaharap nitong krisis sa kalusugan.

Binigyan din ng Noble Award ang Muntinlupa City Health Office dahil naman sa walang kapantay na serbisyong ibinibigay nito sa pagtugon kaugnay sa paglaban sa COVID-19.


Ayon kay Fresnedi, ang nasabing parangal ay pagkilala rin sa hard work ng kanilang mga frontliner bilang katuwang nito sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments