Pamahalaang lokal ng Muntinlupa City, namahagi ng ayuda sa displaced workers ng lungsod

Nakatanggap ng food packages ang mga manggagawa na residente ng Muntinlupa City na nawalan ng trabaho bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa tala ng Muntinlupa City government, mayroon silang 845 na mga rehistrado na mga displaced worker.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, noong una ay tinukoy lang nila ang mga manggagawa mula sa formal sector, ngunit kalaunan ay binuksan para sa lahat ang sektor ng mga obrero.


Aniya, layunin nito na mabigyan ng tulong ang displaced workers mula formal at informal sectors na nawalan ng kabuhayan ng dahil sa pandemic.

Samanatala, ang Muntinlupa City ay mayroon nang 406 na active COVID-19 cases nagyong araw, matapos itong magkaroon ng 397 recoveries at 59 na nasawi na dulot ng virus.

Habang mayroon namang 302 na probable cases at 414 na suspected cases ang lungsod.

Facebook Comments