Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, isinusulong ang “Urban Farming”

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa na isinusulong nila ngayon ang “Urban Farming” na tatawagin nilang “Gulayan sa Lungsod ng Muntinupa”.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, katuwang nila ang Department of Science and Technology o DOST at University of the Philippines Institute of Plant Breeding o (UP-IPB).

Aniya, ang DOST at UP-IPB ang magbibigay ng pagsasanay sa mga barangay ng lungsod kaugnay sa “innovation farming technology” at Ubam Agriculture.


Layunin aniya nito na magkaroon ng food security ang lungsod kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng alkalde na ang Doña Rosario Heights ang Urban Model ng lungsod habang ang Paradise Garden Community naman ang kanilang Communal model farm.

Noong nakaraang buwan, mayroong 2,224 packs ng vegetable seeds, 5,302 vegetable seedlings, at 118 liters organic fertilizer na naipamahagi na sa mga komunidad ng lungsod sa ilalim ng Sustainable Nutrition Augmentation Program.

Facebook Comments