Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, magpapatupad ng mandatory isolation pagkatapos ng COVID-19 swabbing

Mahigpit nang ipatutupad ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa ang mandatory isolation sa mga residente nitong sumailalim sa swab testing habang naghihintay ng resulta ng test.

Ayon kay Muntinlupa City Council Majority Floor Leader Councilor Raul Corro, para maging ganap na lokal na batas ito, plano ng sangguniang panglunsod na gumawa ng City Ordinance hinggil dito.

Isasara rin nila aniya ang pagbibigay ng COVID-19 report sa lahat ng ospital at clinics sa lungsod sa local health office ng Muntinlupa.


Kung hindi aniya pumayag ang pasyente na dalhin siya sa isang isolation facility ng lungsod, dapat ang bahay nito ay may kakayahang magsagawa ng sarili nitong isolation area.

Aniya, ang layunin ng nasabing hakbang ay upang mapabagal ang COVID-19 community transmission sa lungsod.

Facebook Comments