Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, magsasagawa ng online consultation kaugnay sa mental health para sa frontliners

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng online mental health consultation.

Aniya, ito ay libreng ibibigay sa mga frontliner ng lungsod.

Batid aniya nila ang stress ng kanilang mga frontliner dahil sa walang pahinga at subsob sa trabaho bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.


Tuwing Miyerkules ng als-2:00 ng hapon hanggang ala-5:00 ng hapon ang limited face-to-face na check para sa psychiatric consultation sa Poblacion Health Center.

Habang magbibigay naman ng psychiatric at mental health crisis e-prescription para sa mga self-injurious or suicidal, acute amphetamine psychosis at iba pa si Dr. Nicanor Echavez gamit ang kanyang Messenger at Viber na 09772774402 o maaaring mag-e-mail sa echaveznicanor@gmail.com mula Lunes hanggang Biyernes mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Pero iginiit ng alkalde na ang nasabing programa ay hindi lamang para sa frontliners ng lungsod, maaari ring magpa-konsulta ang mga taga-Muntinlupa na nangangailangan tulong sa kanilang mental health problem.

Facebook Comments