Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, nagbigay ng ₱1.3 milyon para sa “Tulong Negosyo”

Nag-turn over si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ng 1.3 milyong piso para gamitin na tulong sa mga negosyante ng lungsod na lubhang na apektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng “Tulong Negosyo” program ng lungsod, mabibigyan ng loan assistance ang 70 mga micro entrepreneur ng lungsod upang maka-rekover mula sa pagkalugi na dulot ng pandemya.

Ayon kay Fresnedi, zero-interest ito at pwede makautang ang isang negosyante ng lungsod mula ₱2,000 hanggang ₱150,000 depende sa business capital ceiling at payment record ng negosyanteng uutang.


May tatlong kategorya aniya ang “Tulong Negosyo Program”, ito ay ang Simulang Kapital o SIKAP, Asenso Loan Program at Maunlad Loan Program.

Tiniyak naman ng Alkalde ipagpapatuloy niya ang ganitong programa upang matulungan naman ang mga negosyante ng lungsod lalong-lalo na sa panahon ng krisis.

Facebook Comments