Binigyan ng food packs ang mga tricycle driver ng lungsod ng Muntinlupa ng lokal na pamahalaan nito.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, umabot sa 3,000 mga tricycle driver ang nawalan ng kabuhayan ng dahil sa pagpapatupad ng community quarantine bunsod ng banta ng COVID-19.
Tinukoy ng Muntinlupa City Social Service Department sa pamumuno ni Analyn Mercado ang nasabing mga tricycle driver.
Sinabi naman ng Alkalde na maliban sa mga tricycle driver, nakatakda rin bigyan ang mga driver ng jeep, pedicab, trolly operator, at iba pang mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.
Tiniyak naman ni Fresnedi na patuloy nilang tutulungan ang mga displaced worker ng lungsod sa pamamagitan ng iba’t ibang stimulus program ng lokal na pamahalaan nito.