Inusad ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa sa November 20 ngayong taon ang deadline para sa 2nd at 3rd quarter sa pagbabayad ng tax.
Ito’y matapos lagdaan ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang isang ordinansa ukol dito.
Nakasaad din sa ordinansa na walang penalties at surcharges na sisingiling doon sa makakapagbayad ng kanilang tax obligation sa nakasaad na petsa na bagong deadline nito.
Kaya hinikayat ng Muntinlupa City Business Permits and Licensing Office ang mga business taxpayers ng lungsod na bayaran na ang kanilang outstanding balances bago o sa araw mismo ng deadline upang maiwasan ang pagkakaroon ng penalties.
Batay sa pamahalaang lungsod, ang nasabing hakbang ay kaugnay pa rin sa kanilang ipinatutupad na mga health protocol laban sa COVID-19.