Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, pinalawig pa ang deadline ng pagbabayad ng business tax dahil sa MECQ

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa na iniusad pa nila ang deadline ng pagbabayad ng business tax hanggang September 18 ngayong taon dahil sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, inaprubahan niya ang City Ordinance No. 2020-115 na nag-uutos na palawigin pa ang pagbabayad para sa business tax ng 3rd Quarter ngayong taon.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na hindi rin papatawan ng penalties, surcharge, at interest kung hindi makapagbayad ang mga negosyante sa lungsod ng kanilang mga business tax ngayong August 19.


Pero kung sakaling hindi sila makapagbayad ng kanilang tax obligation sa September 18, doon lang sila papatawan ng penalties at interest alinsunod sa Muntinlupa Revenue Code.

Tiniyak naman ni Fresnedi sa mga miyembro ng private sector sa lungsod na patuloy na susuportahan ng Muntinlupa Local Government ang local businesses ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments