Nagpasalamat ang pamahalaang lokal ng Pasay, sa Metropolitan Manila development Authority (MMDA), dahil sa isinagawang Bayanihan sa Barangay o paglilinis at pagpapaluwag ng mga daluyan ng tubig sa perimeter fence ng Estero de Tripa de Gallina.
Matatandaan din na naglatag ang MMDA ng One-Stop-Shop query service para sa mga motorista sa lungsod na nais magbayad ng multa mula sa kanilang naging paglabag sa batas trapiko.
Ayon kay Mayor Emi Calixto- Rubiano, magandang pagkakataon ang nasabing proyekto ng MMDA upang maihanda ang mga komunidad sa epekto ng mga pagbaha sa tuwing bumubuhos ang ulan.
Patuloy naman ang pag-iikot, at paglilinis ng MMDA sa ilan pang mga estero upang mapabuti na rin ang kaligtasan ng mga tao na nakatira malapit roon.
Facebook Comments