Pamahalaang lokal ng San Juan City, i-nextend pa hanggang ngayong araw ang SAP distribution

31

Inanunsyo ng pamahalaang lokal ng lungsod ng San Juan na i-nextend nila hanggang ngayong araw ang pamamahagi ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa abiso ng lungsod, muling magbubukas ang SAP distribution sa San Juan Arena mula ala-1:00 mamayang hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, layunin nito na mabigyan pa ng pagkakataong makakuha ng SAP ang ilang benepisyaryo na hindi nakarating sa takdang schedule nila.

Kaya naman tinatawagan ni Zamora ang mga SAP beneficiaries sa lahat ng 21 barangays na nakatanggap ng text confirmation message ng kanilang cash aid mula sa Robinsons Bank na mangyaring magpunta sila ngayonga araw
sa nasabing arena.

Paalala niya sa hindi pa kumukuha ng kanilang ayudang pinansyal mula sa SAP na magdala ng ID, magsuot ng face mask at face shield.

Facebook Comments