Pamahalaang lokal ng San Juan, nagdonate ng mga bisikleta sa Police Bike Patrollers ng lungsod

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan ng 30 bagong bisikleta para sa mga Police Bike Patrollers nito.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod sa mga pulis nito dahil sa malaking tulong nila sa pagpababa ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa.

Aniya, ang 30 bisikleta ay ipinagkaloob sa pamahalaang lungsod ng Hypro Construction Inc.


Nagdesisyon aniya sila na mag-dodonate dahil nakita nilang maganda ang mga programa para sa paglaban sa COVID-19 at pagpapanatili ng safety and security lalo na ngayong pandemya.

Kasama sa seremonya sila Eastern Police District o EPD Director Gen. Johnson Almazan, San Juan PNP Chief of Police Co. Jaime Santos, Bureau of Fire Protection o BFP Chief Marshal Col. Nelfa Lehnert at Gen. Cris Tambungan na Head ng San Juan City TPMO and Task Force Disiplina.

Sa ngayon, ang lungsod ng San Juan ay mayroong 2,930 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments