Pamahalaang lungsod ng Las Piñas, gumawa ng isang resolusyon upang kilalanin ang santong si St. Joseph o Tata Hosep bilang pangkalahatang Patron ng lungsod

Aprubado ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang isang resolusyon na ginawa ng Las Piñas City Council upang kilalanin ang santong si St. Joseph o Tata Hosep bilang pangkalahatang Patron ng lungsod.

Ayon kay Mayor Mel Aguilar ito ay para din kilalanin ang kanilang mga banal na imahe bilang bahagi ng yamang pangkultura ng Las Piñas.

Kahapon, nagsagawa ng programa ang lungsod bilang pagtatapos ng taon ni San Jose sa buong Diyosesis ng Parañaque kasabay ang pagdiriwang ng makasaysayang Traslacion o pagbabalik-tanaw sa pagdating ng Patrong San Jose sa bayan ng Las Piñas.


Dahil dito nagkaroon ng banal na misa na pinangunahan ni Bishop Jesse Mercado at ng Kura Paroko ng Diocesan Shrine and Parish of St. Joseph na si Msgr. Bobby Olaguer.

Dito ginanap ang Unveiling of Markers kung saan nakapaloob ang pagtatalaga ng City Government ng Las Piñas kay St. Joseph o Tata Hosep bilang pangkalahatang Patron ng lungsod at Our Lady of Consolation (Nuestra Señora De La Consolacion Y Correa) bilang pangalawang Santong Patron.

Facebook Comments