Pamahalaang lungsod ng Makati, hinikayat ang mga residente makilahok sa COVID-19 vaccination program

Hinihikayat ngayon ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga residente ng lungsod na mag parehistro sa kanilang COVID-19 vaccination program.

Para aniya makatanggap ng libreng bakuna laban sa nakakamatay na sakit na COVID-19 at para mabigyan sila ng proteksyon laban sa naturang sakit.

Ayon kay Mayor Binay para sa mga nais magpabakuna maaaring nag magparehistro online gamit ang www.proudmakatizen.com o maaaring makipagugnayan sa kanilang Barangay.


Para naman sa mga nakarehistro na, pinapag-ingat sila sa sa mga pekeng mensahe mula sa hindi awtorisadong numero, makakatanggap sila ng mensage kaugnay sa confirmation number at takdang schedule ng pagbabakuna.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ngayong araw ang isinasagawa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19 sa mga senior citizen at mga residenteng may co-morbidities sa Makati Coliseum, dahil kabilang sila sa mga sektor na ginawang prayoridad sa pamahalaang lungsod alinsunod sa mga panuntunan ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments