Makati City – Nagsimula nang mag inspeksyon ang pamahalaang lungsod ng Makati sa ibat ibang pamilihan para makatiyak na walang makalulusot na karne na kontaminado ng bird flu virus.
Binuo ni Makati Mayor Abby Binay ang task force bantay A.I. o Avian Influenza na siyang tututok sa lahat ng establishemento hanggang sa nag titinda na mga pagkain na mula sa manok at iba pang uri ng ibon.
Ayon sa alkalde, kahit pa mahigpit na ang pagbabatantay sa Pampanga at Nueva Ecija, dapat matiyak pa rin nila na walang mapapadpad sa kanilang lungsod.
Kasunod nito, hinikayat nito na ipaskil ng mga negosyante ang kani-kanilang mga meat inspection certificate o patunay na malinis at virus free ang mga paninda para mag tiwala ang mga customer.
Para mas maging epektibo ang kampanya, magkasabay na ipapatulad ang tinatawag na information dissemination campaign sa panig ng negosyante at mga mamimili.