Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay na nakabili na sila ng 42 biomedical refrigerators at laboratory freezers para sa maayos at ligtas na pag-iimbak ng mga bakuna sa COVID-19 na inaasahang darating sa susunod na buwan.
Ilalagay aniya ang vaccine refrigerators at freezers sa itinatayong vaccine depot sa City Hall quadrangle na inaasahang matatapos ito sa susunod na linggo.
Bahagi anya ito ng lungsod ng pusupusang paghahanda ng lungsod para makamit ang 100-percent vaccination rate sa Makati.
Dahil dito, muling hinimok ng alkalde ang mga residente ng lungsod na lumahok sa programang “Bakuna Makati.”
Giit ni Mayor Binay na ligtas at mabisa ang bakuna laban sa COVID-19 at ito ay napatunayan na ng mga siyentipiko.
Noong nakaraang buwan, umorder na ang lungsod ng isang milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca.