Pamahalaang lungsod ng Makati, nangakong igagalang ang desisyon ng Korte Suprema; lungsod ng Taguig nais na simulan ang coordinated transition

Idineklara ng pamahalaang lungsod ng Makati na igagalang nito ang desisyon ng Korte Suprema at handa na sa gagawing transition sa lungsod ng Taguig.

Matatandaan kasi na tinanggihan na tanggapin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema na ilipat ang hurisdiksyon ng 10 barangay sa Taguig City kung saan naghain ng pangalawang motion for reconsideration ang lungsod ng Makati.

Bago ang pinakahuling resolution na inilabas noong Hunyo 2023, tinanggihan na ng Korte Suprema noong Setyembre 2022 ang unang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang ng Makati na umasa sa desisyon ng Mataas na Hukuman noong 2021 na nagdesisyon na ang Fort Bonifacio Military Reservation, na binubuo ng Parcels 3 at 4, Psu-2031, kabilang ang pinagtatalunang 10 barangay, ay bahagi ng teritoryo ng Taguig City na legat at may titulo.


Ngunit ayon kay City Mayor Abby Binay, na siya at ang pamahalaan ng Makati ay makikipag-ugnayan sa mga kinauukulang departamento at ahensya ng pambansang pamahalaan para sa isang tuloy-tuloy na pagsasaayos, kung saan malugod ring tinanggap ng Taguig ang maayos na paglipat at makaiwas sa pagkaantala ng public service.

Una ng iginiit ng Taguig na ang lungsod ay handa na gampanan ang responsibilidad ng pamamahalan sa 10 barangay na may parehong pagmamalasakit na ginawasa 28 barangay nito.

Sa huli, iminungkahi ng Taguig ang paglikha ng joint transition team na makikipag-ugnayan sa mga pambansang ahensya at lahat ng stakeholder para sa mabilis na paglipat ng administrasyon at tukuyin ang karaniwang layunin at kapakanan ng mga residente.

Facebook Comments