Pamahalaang lungsod ng Makati, sinumulan na ang pagturok ng Sputnik V

Umarangkada na ang pagtuturok ng Sputnik V vaccine sa lungsod ng Makati ngayong araw na ginawa sa Makati Coliseum, ang mega vaccination hub ng lungsod.

Ito ay pinangunahan ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon.

Batay sa datos ng City Health Department ng Makati, 800 na mga indibidwal ang target nilang mabakunahan ngayong araw na kinuha mula sa mga magparehistro para sa kanilang vaccination program laban sa COVID-19.


Isang 70-year-old Japanese senior citizen na residente ng Makati ang unang nakatanggap ng Sputnik V.

Natanggap kahapon ng Makati City government ang 3000 doses na Sputnik V na gawa ng Gamaleya Research Institute mula sa Russia.

Kung saan isa ang Makati City sa lima na mga lungsod ng Metro Manila na kabilang na pilot roll out ng nasabing brand ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments