Isinagawa kanina ang ikatlong simulation kung saan ay puspusan na ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong para sa pagbabakuna sa COVID-19 sa Pedro Cruz Elementary School.
Ayon kay Dr. Alex Sta Maria, City Health Officer ng Mandaluyong, ipinakita rito ang kumpletong proseso ng pagbabakuna mula sa registration hanggang sa observation.
Paliwanag ni Dr. Sta. Maria sa simulation, maiging sinusuri ang kalagayan ng pasyente na boluntaryong magpapabakuna para matiyak na “fit” itong bakunahan
Nagkaroon din ng scenario na may mga kunwaring nahilo na agad pinahiga sa stretcher at inalalayaan ng mga tauhan ng mga Nurse.
Dagdag pa ni Dr. Sta Maria, target nilang makuha ang 15 to 17 minuto na bilis ng pagbabakuna sa isang pasyente.
Sisikapin din umano nilang makapagbakuna ng hanggang 500 pasyente sa bawat vaccine sites.
10 ang napiling vaccine sites sa Mandaluyong na bawat sites ay binunuo ng medical team na mayroong 50 miyembro.
Samantala, sinabi ni Jimmy Isidro, Public Information Officer na puspusan pa rin ang Information Drive ng kanilang Local Government Unit (LGU) sa mga barangay kung saan nagbibigay sila ng lecture at nanghihikayat ng mga residente na magpa-register na.
Nabatid na ₱200 million ang pondo ng lungsod para sa bakuna na ang gagamitin ay ang AztraZenica.