Pamahalaang lungsod ng Mandaluyong, nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19 ang City Health Department ng Mandaluyong sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa 5,673 ang kabuuang bilang ng kupirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong umaga.

Mula sa nasabing bilang, 5,442 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit, matapos makapagtala 4 bagong recoveries kagabi.


167 naman ang bilang ng mga nasawi dulot ng virus kaya naman, mayroon pang 84 bilang ng active COVID-19 cases sa lungsod ngayong umaga.

Payo naman ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas mula sa naturang sakit.

Facebook Comments