Manila, Philippines – Balak ngayon ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na magpagawa ng ferry terminal.
Ito’y para mapadali ang pagdadala ng mga isda at produkto ng mga fish traders na manggagaling pa sa iba’t ibang lugar.
Ang perang gagastusin sa pagpapagawa ng ferry terminal ay magmumula pa rin sa 150-milyong pisong pondo ng lungsod para sa rehabilitasyon ng Quinta market.
Kahapon, matatandaang binuksan na ang bagong ayos na pamilihan kung saan binigyan ng certificates of tenure ang mga vendors na naapektuhan ng rehabilitasyon.
Samantala, layon din sa pagtatayo ng ferry terminal na buhaying muli a ferry service sa ilog Pasig at makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Quezon boulevard papunta at palabas ng Quiapo.
Facebook Comments