Pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, naglaan ng P170-M para sa bakuna kontra COVID-19

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na naglaan ng P170 milyong pondo ang lungsod para sa bakuna kontra COVID-19 at pagpapalakas ng contact tracing gamit ang StaySafe.PH app.

Ayon kay Fresnedi, layunin nito na matiyak na mabibigyan ng bakuna ang mga residente ng Muntinlupa laban sa virus.

Iginiit ng alkalde na isa ito sa mga hakbang ng pamahalaang lungsod laban sa COVID-19 upang mabigyan ng proteksyon ang mga residente laban sa naturang sakit.


Ito ay bilang paghahanda na rin aniya ng lungsod na kung sakaling magkaroon na ng COVID-19 vaccine ang bansa, agad silang makakabili nito.

Sinabi rin nito na kasama rin sa pondo ang kanilang ginagawang contact tracing, kung saan nitong nakaraang araw, ipinag-utos ni Fresnedi ang madatory ng paggamit ng StaySafe.PH application at QR code.

Facebook Comments