Pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, nagsimula nang magturok ng Sinovac vaccine sa mga senior citizen

Sinimulan na kahapon ang pagtuturok ng Sinovac vaccine ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa mga residente nitong senior citizen.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, mayroong mga vaccination sites ang Muntinlupa para sa A2 members o senior citizens tulad ng Tunasan Elementary School, Victoria Elementary School, Muntinlupa National High School – Annex, Muntinlupa National High School Main, Poblacion Elementary School (SV3), Putatan Elementary School, Soldiers Hills Elementary School, Lakeview Integrated School, Bayanan Elementary School Main, Pedro E. Diaz High School, Cupang Elementary School, Cupang Health Center, Buli Elementary School, at Sucat Covered Court.

Aniya, mayroong 44,000 senior citizens na target bakunahan ng lungsod kontra COVID-19.


Batay sa kanilang datos, As of April 10, may 20,317 COVID-19 vaccines ang lungsod na ibinigay ng national government, kung saan 20,063 ay Sinovac at 254 ay AstraZeneca.

Sa kasalukuyan, ayon kay Fresnedi, mayroon pang 13,964 vials na natitira, kung saan 13,921 nito ay Sinovac vaccine at 43 naman ay AstraZeneca.

Facebook Comments