Pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, natanggap ang pondo pang-ayuda para sa mga apektado ng ECQ

Kinumpirma ni Tess Navarro ang tagapagsalita ng Muntinlupa City Government na nai-download na ng National Government ang pondo para sa Muntinlupa upang gamitin pang-ayudang pinansyal sa mga residente nito na apektado ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Ayon kay Navarro, umaabot ng 442 million pesos ang ibinigay na tulong mula sa national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Sinabi rin niya na nakipag-ugnayan na ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan naman ng City Social Welfare and Development o CSWD sa mga barangay.


Magakakaroon naman ngayong araw ng pagpupulong ang mga punong barangay at pamahalaang lungsod kaugnay sa pag distribute ng nasabing financial assistance.

Matatandaan, ipinag-utos ng national government nasa DSWD na magbigay ng 1,000 na financial assistance sa mga indibiduwal na apektado ng muling pagpapatupad ng ECQ na National Capital Region o NCR, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Facebook Comments