Inihayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na dalawang araw nang walang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Mayor Emi, sa ngayon aniya ay sa 20 na lang ang aktibong kaso sa lungsod ng nasabing sakit, matapos magkaroon ng apat na new recoveries kahapon.
Aniya, ito ay isang magandang development sa COVID-19 status ng lungsod.
Kung saan aniya ito ay naging posible dahil na rin sa pagtutulungan ng mga residente, mga opisyal ng barangay at sa iba niyang katuwang sa paglaban sa naturang sakit.
Kaya naman panawagan niya sa publiko at sa lahat ng mga opisyal o leader ng lungsod na huwag maging kampante, panatilihing sumunod sa EMI Habit at magpabakuna na laban sa COVID-19.
Ang EMI Habit ay ang E – Ensure to always wash your hands, M – Mask is a must, at I – implement social distancing.
Samantala, hinikayat naman niya ang mga residente ng lungsod na hindi pa bakunado kontra COVID-19 na magpabakuna.