Pamahalaang lungsod ng Pasay, dalawang araw nang walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19

22

Inihayag ni Pasay City Mayor Ime Calixto-Rubiano na dalawang araw nang walang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Mayor Ime, sa ngayon aniya ay nasa sa 20 na lang ang aktibong kaso sa lungsod ng nasabing sakit, matapos magkaroon ng apat na new recoveries kahapon.

Aniya, ito ay isang magandang development sa COVID-19 status ng lungsod.


Kung saan aniya ito ay naging posible dahil na rin sa pagtutulungan ng mga residente, mga opisyal ng barangay at sa iba niyang katuwang sa paglaban sa naturang sakit.

Kaya naman panawagan niya sa publiko at sa lahat ng mga opisyal o leader ng lungsod na huwag maging kampante, panatilihing sumunod sa Emi Habit at magpabakuna na laban sa COVID-19.

Ang EMI Habit ay ang E – Ensure to always wash your hands, M – Mask is a must, at I – implement social distancing.



Samantala, hinikayat naman niya ang mga residente ng lungsod na hindi pa bakunado kontra COVID-19 na magpabakuna.

Para aniya tuluyan na ang zero COVID-19 cases ng lungsod at mabigyan din sila ng proteksyon laban sa nasabing sakit.


Facebook Comments