May paalala ang pamahalaang lungsod ng Pasig sa mga residente nito na magpapabakuna laban sa COVID-19 simula ngayong araw.
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, bawal ang walk-in at tanging ang mga nakatanggap lamang ng text message o SMS na naglalaman ng schedule at venue ng bakunahan ang bibigyan ng bakuna.
Kailangan din anya na dalhin ang PasigPass QR code, valid ID, at ballpen at kung may comorbidity, dalhin din ang medical clearance na ibinigay ng kanilang doktor at ipakita ang valid ID at SMS advisory kung may checkpoints.
Sinabi rin ng alkalde na ang mga babakunahan ay itituting mga Authorized Persons Outside of Residence o APOR na pwedeng lumabas ng bahay.
Hinikayat din niya na gumamit ng sariling sasakayan tulad ng bike, e-bike at iba papunta sa vaccination sites upang hindi maantala dahil sa limitadong biyahe ng pampublikong transportasyon.
Tiniyak naman ng alkalde na meron parking area ang mga vaccination site ng lungsod.