Nag-deploy ng medical team ang lokal na pamahalaan ng Pasig upang magsagawa ng antibody test sa mga inilikas na pamilya ng dahil sa Bagyong Ulysses.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, hindi maiwasan na hindi masunod ang health protocols kontra COVID-19 dahil sa marami ang kanilang inilikas na nasalanta ng bagyo.
Ang antibody test aniya ay isang uri ng test upang malaman kung posible bang infected ng COVID-19 ang isang tao.
Mas tama at pagkakatiwalaan ang nasabing test kumpara sa rapid testing.
Sa pamamagitan anya nito, agad na matutukoy kung ang isang tao ay kailangan bang i-quarantine at maiwasan ang pagkalat pa nito.
Dagdag pa niya, ina-ayos na lang ang logistics at masterlist ng mga evacuees para matiyak na lahat na nanatili sa evacuation center ay sasailalim ng antibody test.