Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na natanggap na nila ang ang pondo mula sa nasyonal na pamahalaan para sa ayuda pinansayal para sa mga residente nito na apektado ng muling pagpapatupd ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Mayor Sotto, nagkakahalagang ₱681,743,000 ang natanggap ng lungsod na pakikinabangan ng mahigit 600,000 na mga residente ng lungsod.
Aniya, prayoridad ng nasabing ayuda ang mga kasama sa Social Amelioration Program (SAP) first at second tranche, mga nasa waitlisted, mga vulnerable o low-income individuals living alone, persons with disabilities (PWD), solo parents at mga individual na affected ng ECQ.
Payo niya sa mga taga-Pasig na antabayanan ang public posting ng listahan at schedule sa Pasig City Public Information Office Facebook account upang hindi magkalituhan.
Inihahanda na rin anya ang payroll para mapabilis ang proseso sa pamamahagi ng masabing financial assistance.