Pamahalaang lungsod ng Quezon, ginawaran ng commendation ng ARTA dahil sa mabilis na proseso ng business permit

Courtesy: Quezon City government | Facebook page

Tumanggap na certificate of commendation ang Quezon City government mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil sa digitization para maging mabilis ang proseso ng business permit.

Kinilala ng ARTA na nasa ilalim ng Office of the President ang pamahalaang lungsod ng Quezon dahil sa mahusay na pagpapatupad ng pag-streamline.

Kinilala rin ng ARTA ang mabilis na proseso sa pagkuha ng lisensya at pati ang paglikha ng electronic business one-stop shop.


Patuloy ang QC Business Permits and Licensing Department at iba pang departamento ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng makabagong paraan upang mapaunlad at mapabilis ang iba’t ibang serbisyo.

Facebook Comments