Namigay rin ng suplay na pagkain at iba pang relief goods ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa Catanduanes.
Una nang pinuntahan ng grupo ang lalawigan ng Albay at nagpaabot ng tulong sa provincial government gaya ng sako sakong bigas, mga delata bottled water, generator sets at iba pang porma ng tulong.
Nagsimula na rin ang Urban Search and Rescue team ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagtulong sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly.
Kabilang sa pinuntahan ng rescue teams ang Virac at tumulong na rin sa clearing operations ang Team QC partikular sa mga lugar na may mga natumbang puno ng kahoy at debris sa mga kalsada dulot ng bagyo.
Facebook Comments