Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng San Juan na magsasagawa ito ng libreng seminar kaugnay sa Meal Management at Safe Food Handling para sa Food Industry.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang nasabing seminar ay para lamang sa taga-San Juan na mga may-ari ng negosyo na nahahanay sa food industry tulad ng karenderiya, taga-luto o cook, food delivery at food server.
Aniya, importante ang may kaalaman sa ligtas at malinis na paghahanda ng pagkain lalo na ngayong may banta pa rin ng COVID-19 at nasa gitna pa rin ng pandemya.
Para sa mga nais sumali, maaaring magpalista sa San Juan Skills and Livelihood and Training Center o tumawag sa 8693-9464, Miyerkules hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at hanapin si Mr. Lamberto Abeña.
Limitado lang ito para sa 20 participants pero first come, first serve basis makakasali sa nasabing seminar.
Gaganapin ito sa December 7 ngayong taon sa 4th floor ng parking lit ng FilOil Flying V Center.