Pamahalaang lungsod ng San Juan, magsisimula nang magbakuna gamit ang Sinovac sa mga senior citizen

453
Photo Courtesy: San Juan City, Philippines Facebook Page

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng San Juan na simula na ngayon araw ang pagtuturok ng bakuna sa mga senior citizen ng lungsod gamit ang Sinovac.

Ayon kay Mayor Francisco Zamora, ang mga senior citizen na mababakunahan ay makakatanggap ng text message mula sa san Juna City na nag lalaman ng panglan, araw ng bakuna, oras, category at lugar na pagbabakunahan.


Aniya ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa guidelines na ibinababa ng Department of Health o DOH.

Payo niya sa mga senior citizen na magpapabakuna gamit ang Sinovac na alamin ang kanilang health condition bago magpabakuna.

Matatandaan na una nang nagbigay ng bakuna laban sa COVID-19 ang lungsod sa mga senior citizen gamit ang AstraZenaca.

Facebook Comments