Pamahalaang lungsod ng San Juan, muling maghahatid ng libreng sakay para sa mga frontliner

56

Muling aarangkada ngayong araw ang libreng sakay ng lungsod ng San Juan para sa mga medical frontliner nito habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Batay sa schedule ng libreng sakay, available ito sa umaga at sa hapon kung saan magpapasakay lamang ng lima hangganag 12 pasahero.


Magsisimula ang libreng sakay sa San Juan City Hall, dadaan ng Puregold Agora hanggang Aquinas School at papuntang Kalentong.

Mula Kalentong, didiretso naman ito ng Jollibee Wilson hanggang Cardinal Santos Medical Center at vice-versa.

Tiniyak naman ni San Juan Mayor Francis Zamora na ipatutupad nila ang mga quarantine guidelines at health protocols laban sa COVID-19 upang maiwasan ang pagkalat nito.

Facebook Comments