Inihayag ng pamahalaang lungsod ng San Juan na muli silang mamagigay ng ayudang pinansyal ngayong araw sa mga residente nito na hindi napasama sa ECQ cash aid.
Ayon kay Mayor Francisco Zamora, ito ang mga residente na lumapit sa kanilang grievance committee o mga nagreklamo na hindi napasama sa orihinal na listahan ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) bilang qualified beneficiaries sa nasabing cash aid.
Aniya ngayong araw, ang Barangay Batis, Barangay Corazon De Jesus, Barangay San Perfecto, Barangay Salapan, at Barangay West Crame ang mabibigay ng nasabing ayuda.
Payo niya sa mga residente ng nasabing mga Barangay na icheck ang kanilang pangalan na ipinost sa official Facebook account ng San Juan City government bago pumunta sa kanilang mga barangay.
Matatandaan na ipinag-utos ng nasyonal na pamahalaan na magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal.