Pamahalaang lungsod ng Taguig, may paalala sa mga nakapagrehistro sa kanilang COVID-19 vaccination app

Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig ang mga residente nitong nakapagrehistro na sa Taguig Registry for Access and Citizen Engagement (TRACE), isang application na ginagamit ng lungsod para sa COVID-19 contact tracing at vaccination registration.

Sa abiso na kanilang inilabas, kailangan hintayin ang system generated text mula sa TAGUIG INFO para sa nakatakdang schedule ng bakuna.

Nakasaad pa na hindi tumatanggap ng mga walk-in sa vaccination hub ng lungsod at ang mga mayroong schedule lamang ang siyang matutulungan ng mga healthcare worker at mabibigyan ng bakuna.


Kung sakaling hindi naman nakapunta sa nakatakdang araw ng pagpapabakuna, kailangan na hintayin muli ang abiso para sa bagong schedule ng pagpapabakuna.

Sa kasalukuyan, ang tanging mga kabilang sa mga priority list mula A1- A3 o healthcare workers, senior citizens at mga taong may kondisyong medikal ang kanilang tinuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 alinsunod sa kautusan ng Department of Health at Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments