Namahagi ng mga sasakyan at iba’t ibang kagamitan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig para sa iba’t ibang law enforcement agencies sa kanilang lungsod.
Kabilang sa mga ipinamahagi ng Taguig Local Government Unit (LGU) ay 15 patrol vehicle, limang armored vehicles, dalawang ambulansya, apat na firetruck at custodial van para sa mga operatiba ng Taguig City Police, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
Nagkaloob din ang Pamahalaang Lungsod ng 15 motor vehicles at fire patrol para naman sa mga barangay sa kanilang nasasakupan.
Maliban dito, tumanggap din ang mga naturang ahensya ng vest at rain coats gayundin ng 50 bodycameras para sa kanilang mga isasagawang operasyon.
Nakatanggap din ang Taguig City Philippine National Police (PNP) ng mga armas na makatutulong sa kanilang anti-criminality gayundin ng peace and order enforcement operations nito.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, kinikilala niya ang sakripisyo ng mga nabanggit na ahensya upang mapanatiling tahimik, maayos at mapayapa ang kanilang lungsod gayundin
Umaasa siyang makatutulong ito upang magampanan ng mga law enforcement agency sa kanilang lungsod na magampanan ang kanilang mandato at makatugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.