Pamahalaang lungsod ng Taguig, papaigtingin ang pagbabantay sa mga restaurant ngayong Pasko at Bagong Taon

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig na mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga restaurant at iba pang kainan na pwede magtipon ang mga tapos sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, layunin nito na malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Ang mga kainang ito aniya ay maaaring maging lugar ng pagkahawa ng mga mamamayan lalo na kung hindi maayos na naipapatupad ang mga patakarang pangkaligtasan at pangkalusugan dito.


Para sa kaligtasan ng lahat, ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ang mga health protocol laban sa COVID-19 sa mga kainan at iba pang katulad na establisyimento sa lungsod.

Nakiusap din siya sa mga residente ng lungsdo na ipagbigay alam sa Safe City Task Force kung may makita sila lumlalabag sa panuntunan pangkalusugan na ipinatupad ng lokal at nasyonal na pamahalaan.

Facebook Comments