Pamahalaang lunsod ng San Juan, nakahanda na para sa pagbakuna sa A4

Inihayag ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na nakahanda na ang lungsod para bakunahan ang mga kabilang sa priority group A4 o economic frontliners.

Ito’y matapos magawa na ang isang vaccination site na para lamang sa A4 na inilagay sa loob ng Greenhills Shopping Center.

Ayon sa alkalde, sa Hunyo ay nakatakdang buksan ito at sisimulan ang pagtuturok ng bakuna sa A4 priority group.


Aniya, kahit hindi residente ng San Juan basta nagtatarabaho ito sa lungsod ay pwedeng magparehistro at mag-avail sa COVID-19 vaccine.

Kaugnay nito aniya ay nagdagdag na sila ng mekanismo sa kanilang COVID-19 registration portal kung saan ay kinakailangang piliin at ideklara ng sinumang magrerehistro kung sila ay A4 resident o non-resident.

Makikita sa official Facebook account ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang link ng registration para sa A4.

Facebook Comments