PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN BUO ANG SUPORTA PARA SA R1AA 2023 NA NAGAGANAP SA LUNGSOD NG SAN CARLOS

Inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang buong suporta nito para sa isang regional sports event na nagaganap sa lalawigan particular sa Lungsod ng San Carlos na siyang host City ngayon sa Region 1 Athletics Association Meet 2023.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Acting Governor Mark Lambino sinabi nito na suportado ng pamahalaan ang ganitong aktibidad dahil bukod sa mapopromote ang lalawigan ay mas makakatulong umano ito sa buhay ng isang atleta para sa lahat ng aspeto ng buhay.
Sinabi pa ng opisyal na aprubado na ang ikalawang request ng host division na SDO San Carlos City na budget na hindi bababa sa P25-milyon para sa lahat ng mga kalahok sa naturang palaro.

Bukod rito, sinabi din ng opisyal na ini-extend na rin ng pamahalaan ang iba’t ibat pasilidad sa lalawigan gaya na lamang ng Narciso Ramos Sports Center para i-accommodate ang mga palaro at atleta na galling na labing apat na Schools Division Office sa Rehiyon Uno.
Inilahad din ng opisyal na extended ang paggaganapan ng mga palaro sa tatlong major places o LGUs gaya na lamang ng San Carlos City, Dagupan City at Lingayen.
Samantala, Sinabi ni DepEd Ilocos Regional Director Tolentino G. Aquino na ibabahagi ng event na ito ang kahalagahan ng mga sports competition bilang isa sa mga mahahalagang elemento ng basic education sa paghahanda ng mga mag-aaral na harapin ang mga hamon ng buhay sa pamamagitan ng pamumuno, pagtutulungan, pasensya, pananagutan, at kumpiyansa sa sarili.
Ang R1AA ay isang taunang scholastic multi-sport competition sa Ilocos Region na pinagsasama-sama ang mga mag-aaral na atleta mula sa iba’t ibang paaralan upang makipagkumpetensya sa iba’t ibang mga sports event. |ifmnews
Facebook Comments