PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, TULOY ANG PAGTULONG SA MGA PNP STATIONS PARA SA PAG-UPGRADE NG KANILANG PASILIDAD

Tuloy-tuloy pa rin ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa pagtulong sa mga Municipal PNP stations na nangangailangan ng tulong para ma-upgrade ang kanilang mga pasilidad.
Ito ang sinabi ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino sa isang interview matapos ang pasinayaan ang isang bagong tayong gusali ng PNP sa bayan ng Mangaldan.
Aniya, tuloy ang kanilang suportang makahingi ng pondo mula sa National Government para ma-upgrade din ang lahat ng pasilidad ng kapulisan sa probinsya.

Samantala, patuloy umano ang kanilang pag-obserba sa mga bayang nangangailangan ng pag-upgrade lalo na sa mga malalaking bayan sa Pangasinan.
Sa katunayan aniya, nagdagdag na rin umano ang Police Provincial Office ng pondo para sa mga kapulisan ngunit nais umano ng pamahalaang panlalawigan na mas marami pang munisipyo ang ma-upgrade para matulungan umano ang mga kapulisan sa pagtutok at paggawa ng kanilang mga obligasyon lalong lalo na sa peace and order sa probinsya.| ifmnews
Facebook Comments